Kung Minsan

Paminsan-minsan ayoko ng magsulat. Ayoko ng lumabas. Ayoko ng makipag-usap kahit kanino. Ayoko ng kumain. Gusto ko na lang matulog kahit hindi ako makatulog. Ayoko na.

May mga pagkakataon na gusto ko ng humingi ng tulong. Paano ba? Bakit pati paghingi ng tulong hindi ko alam? Kanino ba? Kanino ba ko hihingi ng tulong? Matutulungan ba niya kong talaga? Kailangan ko ba talaga ng tulong? Wag na nga. Lilipas rin naman to. Masyado ko lang binibigyan ng pansin ‘yong mga di magagandang na naiisip ko at nasa paligid ko. Mali kasi ang pinagtutuunan ko ng pansin.

Lilipas ang ilang araw o linggo, ayos na ko. Tapos ayan na naman. Para bang ‘yong kalungkutan na ‘yon eh nasa paligid lang. Naghihintay ng pagkakataon para kalabitin ulit ako. Pagharap ko yayakapin na niya ko. Maya-maya umiiyak na naman ako. Mapa sa kalsada man yan, sa jeep, sa bus, sa opisina, sa CR, sa mall, sa tren, walang pinipili. Pag niyakap na niya ko kusa na kong namamaluktot. Tapos may mangyayari na kahit papano makakapagpaalis sa kalungkutan na depresyon na yata. Pero kahit di na niya ko yakap, nakaakbay naman siya. Sa pinalamaliliit na bagay ayan at nakayakap agad siya. Nakakapagod na. Hindi ko na alam. Kalungkutan ba talaga to o gawa-gawa ko lang siya? Siya ba talaga ang yumayakap sa kin o ako ang nakakapit sa kaniya? Halos siya na lang ang nakikita ko at nawawalan na mg saysay ang lahat.

Ayoko ng magsulat. Ayoko ng bumangon. Ayoko ng makisalamuha sa kahit kanino. Madadamay lang sila sa kalungkutan ko. Ayoko ng lumabas. Ayoko na sa sarili ko. Kung makakatulog man ako, sana sobrang himbing na, ‘yong wala ng gisingan.

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s